grabe, tsinelas lang.
Wednesday, October 15, 2008
may mga tao pa palang katulad mo, hindi ko din maisip na ginawa mo yon. anu ba ang ginawa ko sayo at pati regalo ko nung 1st monthsary natin binalik mo? tsinelas lang naman hinihingi ko ha.
anung gustong mong palabasin? anung problema mo? bakit ka ba ganyan sakin?
TAE. Nakakapikon na kasi eh, kahit mga kaibigan ko gulong gulo sayo ultimo nanay ko hindi ka na maintindihan. Dapat ako pa nga tong naguugali ng ganyan kasi ako tong iniwan pero grabe ikaw na nga tong nangiwan ikaw pang may ganang mang ganyan. Grabe, ang funny. Oo, moved on na moved ka na, hindi pa ba sapat yun at kailangan mo pa maging ganyan skin? Bakit, sa tingin mo hindi pa ako nakakapagmove on? sa tingin mo gusto parin kita? hmm. medyo, ibang usapan na ata yan.
at kelan kita nakausap at naging bastos ako?
"OO! Ang bastos nga eh!" Familiar ba sayo yan? Balita ko, ako daw yan at napagtataka ko lang, nung araw na sinabi mo eh kakapasok ko pa lang non galing ako sa 3 days absence ko at tandang tanda ko pa na ni magkatinginan nung araw na yun ay hindi nangyari. so anung ibig sabihin niyan?
Maraming tanong talaga, lalo na pag ganyan ang break up sabi nila. Sabi ko kay Ienne kanina, "ang sakit, binalik niya pa talaga" sabi naman ni Ienne, baka daw ginawa niya yun para makapag move on na talaga, tapos sabi ko sknya "ano ka ba, moved on na moved na nga ehhh" sabi niya, hindi parin daw kami sure malay daw namin. MALAY? Pucha. ang labo kasi. ang labo ng mga tao sa paligid. Sobra at isa na siya doon. Kala ko ba walang iwanan kahit may mga bago na tayo, Friends for ever tayo nina jobow at paolo ah, ngayon ni magkatinginan bawal at galit pa. Since binalik mo na din yung mga gamit ko kahit kulang pa, sige wag kang magalala, babalik ko din yung mga gamit mo. Para kwits na.
Buhay nga naman, ang labo. Nakakaasar kasi hindi ko maintindihan knug bakit kailangan gantuhin ako? Kung bakit kailangan manakit pa ULIT kahit sobrang sinaktan niya na ako dati. Malapit na nga mag heal yung sugat, sabay dinagdagan naman ulit kanina.
Masaya ka na sana sa mga ginawa mo, matagal ko na gustong mag post ng ganitong post ngunit sa sobrang weak ko na hindi ko pa kayang magalit sayo noon pero ngaun, Mejo marunong na akong mainis. maasar. magalit pero alam kong hindi pa to sapat. Puta, hindi pa talaga.
Tila may nakakalimutan ako, at gusto ko lang din ibahagi sainyo. Nitong mga nakaraan na araw, naging usapin talaga sa aming klase ang isang blog ng isa namin blockmate. Nag psot siya tungkol sa ingay na dinadanas ng block namin ngayon at sinisisi niya talaga ang TROPA ko. Medyo hindi nakakatuwa, pero bakit kami lang? Kalat ang ingay. Lumalabas lang na mas rinig kami kasi mas malapit kami sayo. Sinbukan namin idaan sa maayos na usapan ngunit lumalala lang ito nung mga nakaraang araw. Si Joanna, hindi narin napigilan ang emosyon at nakipagsagutan. Pag nasa klase kami, hindi narin namin mapigilan magparinig kasi hindi naman tlaga nakakatuwa ung ginawa nilang pangsisisi.
May nagsabi pa na hahagisan daw kami ng lamesa? oh san ka pa?
LATANG WALANG LAMAN? sabihan ka ng ganyan, matutuwa ka ba?
may pa quote quote pa yung iba na pinapalabas na ang maiingay ay yaong mga taong mabababaw o hindi nagiisip at yung mga taong Tahimik na ikinukunsidera ang sarili ay nagiisip ng malalim. OK? Magbuhat ka na lang ng sarili mong bangko. Tutal, mahilig ka namang purihin ang sarili mo di ba?
HAYYY. Nakakapikon talaga yang mag taong ganyan.
May mga Feeling. May mga inconsiderate. May mga makasarili. May mga Kill Joy.
Pare, College na to. Iba Ibang tao na. Kung tutuusin, dapat wala ng pakielaman to eh. Pero, mukang meron pa rin.
ALAM KONG TAPOS NA YUNG ISSUE KAHIT PAPAANO. pero, blog ko to at gusto ko parin ilabas ang gusto kong palabasin. Pikon na pikon na ako, at gusto ko na matapos tong term na to. para makakilala na talga ako ng tunay na tao. Isa pa, nakakatawa kasi. Imbis na kami ung mapagalitan ng maingay kanina, kung sino pa ung nagrereklamo yaong napagalitan. Sino sa atin ngayon ang maingay? KAMI BA? hmmmmm. mukang hindi. Sorry pare. Tignan mo din kasi, kung kami talaga ung maingay MOST OF THE TIME.
dami kung natutunan this past 3 days.
marami akong nakilala ng mabuti. nakakilala ako ng totoong kaibigan.
nakakilala din ako ng mga makasarili.
At sayo, Feeling. Isa pang pag fefeeling mo jan, magsasalita na ako. hindi na nakakatuwa yang mga pinaggagawa mo ha. Wag na wag mo kaming sisisihin kung bkit hindi ka natatapos sa mga seatwork mo. kung kami ngang maiingay natatapos ikaw pang nakaupo lang dyan at hindi nagsasalita. At, oo. Isa daw talga ako sa mga maiingay, sinabi skin harapharapan. pasensya na boss.
husssssssssssshhhh. huuuuuuuuusssssshhhh.
wag ng maingay! :P